Kung 'di Man

Kung hindi ako ang iyong pipiliin
Aanhin ko pa ang hangin
Sa aking palagay ako lang ang may taglay
Ng pagsintang nararapat

Lamang sa'yo
Aking mundo
Pakinggan mo
Pintig ng puso ko

Pangalan mo sinasambit
Biglang lukso
Tuwing ika'y lalapit
Di alam ang gagawin oh

Kung hindi ang 'yong sagot
Sa pagsuyo kong wagas
Aanhin ko pa ang bukas
Sa aking palagay tayo'y nagsasayang
Ng araw at gabing satin dapat

Buksan mo pa ang aking dibdib
Basahin mo aking iniisip
Suriin mo mga lamat ko
Walang wala akong ikukubli
Ano ba ang gagawin kung di man lang tayo oh

Buksan mo pa ang aking dibdib
Basahin mo ang talambuhay ko
Timbangin mo aking damdamin
Habambuhay ko itong papasanin
Wala akong magagawa
Ako'y para sa'yo sa'yo lamang

Kung di tayo
Ano pang silbi ng puso kong ito
Kung di tayo
Ano pang halaga ko sa mundo

Kung di tayo
Oh bakit pa ba tayo nagtagpo

Músicas más populares de Johnoy Danao

Otros artistas de Film score