Ang Pagtatapat

Pinag-iisipan kung ano ang gagawin
Nagsasalita sa harap ng salamin
Naghahanap ng pagkakataon
Lakas ng loob ay iniipon

Meron akong ipagtatapat sa'yo

Pinagpapawisan nanlalamig
Natutunaw sa lagkit ng kanyang tingin
Nagkakamot di mapakali
Kailangang sabihin kaba'y tumitindi

Meron akong ipagtatapat sa'yo
Mahal kita

Sa wakas nasabi na
Puwede na 'kong huminga
Ipapanalangin ko na lang
Pag-ibig ko'y pagbibigyan
Ngayong alam mo na
Ang aking nadarama
Ipagpapaliban mo pa ba

Palakad-lakad naghihintay
Ilang gabi na 'kong naglalamay
Nabigla ka yata sa pahiwatig ko
Ibigay mo na matamis mong oo

Meron akong ipagtatapat sa'yo
Mahal kita

Sa wakas nasabi na
Puwede na 'kong huminga
Ipapanalangin ko na lang
Pag-ibig ko'y pagbibigyan
Ngayong alam mo na
Ang aking nadarama
Ipagpapaliban mo pa ba

Ayoko nang umasa pa
Kung ayaw mo sa'kin
Sabihin mo na

Sa wakas nasabi na
Puwede na 'kong huminga
Ipapanalangin ko na lang
Pag-ibig ko'y pagbibigyan
Ngayong alam mo na
Ang aking nadarama
Ipagpapaliban mo pa ba

Sa wakas nasabi na
Puwede na 'kong huminga
Ipapanalangin ko na lang
Pag-ibig ko'y pagbibigyan
Ngayong alam mo na
Ang aking nadarama
Ipapanalangin ko na lang
Ipapanalangin ko na lang
Ipapanalangin ko na lang

Músicas más populares de Johnoy Danao

Otros artistas de Film score