Malayang Bilanggo

Ano ba ang aking kasalanan
Ba't ako nandito't ika'y nariyan
Hinahanap-hanap ko ang kislap ng iyong mata
Ang mga yakap mong nagsasabing
'Wag kang mag-alala

Ano ba ang kailangan kong gawin
Ako'y nagkulang aking tatanggapin
Ang lagi kong dalangin may araw ding darating
Ika'y makapiling kahit sandali

Palayain ang sarili
Sa gapos nang iyong pangamba
Sa huli ang pagsisisi
Paliparin ang yong nadarama
Humakbang ka sa liwanag mula sa dilim ng 'yong lihim
Ikaw ba'y isang malayang bilanggo

Paano maipapaliwanag
Ang pagliban sa mga taong nagdaan
Sana'y maunawaan mo
Ang tunay na dahilan
Patawarin mo kaya ako

Palayain ang sarili
Sa gapos nang iyong pangamba
Sa huli ang pagsisisi
Paliparin ang yong nadarama
Humakbang ka sa liwanag mula sa dilim ng 'yong lihim
Ikaw ba'y isang malayang bilanggo

Palayain ang sarili
Sa boses ng pag-iisa
Hindi ka magsisisi imulat ang pinid mong mga mata
Ang mukha ng katotohanan
Harap-harapan mong harapin
Ikaw ba'y isang malayang bilanggo hm

Músicas más populares de Johnoy Danao

Otros artistas de Film score