Ba't Ka Ba Bumalik
Oh
Ano ang pakay mo
Ba't ka nandirito
Nilimot na kita
Yun pala'y isang akala
Heto nanaman ang mga luha ha
Umaga at gabi
Walang pagkakaiba
Oras tumitigil
Hanggat magkasama
Ayoko ng balikan
Kung sigurado ay siguro lamang
Paano ba ako oh
Makakawala sa kapit ng yong alaala
Kailangan ko bang mangibang bansa oh
Kung kailan tanggap ko na
Nagsinungaling ang tadhana
Magpaparamdam ka naman bigla oh
Di ko inakala
Magkita tayong muli
Pilit kong binura
Bakas mo sa aking dibdib
Heto ka nanaman
Binubuyo nanahimik kong puso
Kelan nga ba ako oh
Makakawala sa kapit ng yong alaala
Kailangan ko bang mangibang bansa oh
Kung kelan ako ay handa na
O kay lupit mo binuksan tadhana
Diba't ikaw ang nagtapos
Ng kabanata natin
Oh
Oh
Ba't ka ba bumalik