Kahit Na

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa 'yo
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa 'yo

Naaalala ko pa dati no'ng una kang makita
'Di ba wala ka ngang kaguwapuhan na maipakita
Inaasar ka na kulang ka sa bitamina
At mukha mo daw nasabugan pa ng dinamita

Pero kahit na pangit ka bakit ba
Gustong-gusto ko pa rin na mapasa'kin ka
Kahit mukha kang galit sa akin happy ka
Kahit parang 'di ka natatablan ng mahika

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa 'yo
Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot dulot nito
Hindi ka naman guwapo macho 'di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo oo
Sabi ng barkada huwag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso'y oo oo

Baka walang mag-iba kung sinapak ka
Sa iyong mukha 'pagkat parang tinapakan ka
Baka sa galit ng Diyos may kinalaman ka
O nagmadali lamang s'ya no'ng ginawa ka n'ya

Pero kahit na pangit ka akin ka
Ikaw ang baterya sa puso ko na makina
Kahit mukha kang paa nakaka-loose ka
At least ikaw 'yung tipong paa na nagpa-foot spa

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa 'yo
Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot dulot nito
Hindi ka naman guwapo macho 'di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo oo
Sabi ng barkada huwag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso'y oo oo

Kahit ano pa'ng sabihin nila
Malabo daw ang aking mata
Alam ng puso'ng iibigin
At ikaw ang para sa akin

Sayang daw ang postura
Kung ganyan ang itsura (itsura)
Alam ng puso ang iibigin
At ikaw ang para sa akin (ikaw)

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa 'yo (nabulag sa mukhang paa)
Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot dulot nito (pero mahal kita)
Hindi ka naman guwapo macho 'di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo oo (ang pangit mo ang chaka mo)
Sabi ng barkada huwag na lang daw sana (paki nila mahal kita)
Ngunit sabi ng puso'y oo oo

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa 'yo (hoy pangit love you)

Músicas más populares de Toni Gonzaga

Otros artistas de Japanese music