Ganyan Ang Pasko

Ilang araw at gabi na lang
Ang tanong mo na nag-aabang
At mga bata na kung saan
Panahon ng pagmamahalan

Ilang tulog at gising pa
Bukas pagsikat ng umaga
Malalaman mo na malapit na
Ayan na ayan na Pasko na

Damhin ang diwa ng pasko
Balutin na ang mga regalo
Pag-ibig ang ialay mo
Ganyan ang pasko
Pagmamahal sa bawat tao

Itabi muna ang mga problema
Ang sagot ko dyan ay magsama-sama (magsama-sama)
Ikaw at ako at ang pasko
Hawak ko na ang 'yong regalo

Damhin ang diwa ng pasko
Ibigay na ang mga regalo
Pag-ibig ang ialay mo
Ganyan ang pasko (ganyan ang pasko)
Pagmamahal sa bawat tao

Masdan mo ang mga bata
Walang tigil ang ngiti at saya
Pasko nila ay pasko rin natin
Kaya't magsaya at wag palampasin

Damhin ang diwa ng pasko
Buksan na ang mga regalo
Pag-ibig ang ialay mo
Ganyan ang pasko (ganyan ang pasko)
Ipaalam sa mundo (ipaalam sa mundo)
Ganyan ang pasko
Pagmamahal
Sa bawat tao
Ganyan ang pasko

Músicas más populares de Toni Gonzaga

Otros artistas de Japanese music