'Di Ba Halata

Sa t'wing tayo ay magkikita na
Magkabilang pisngi mo'y namumula
Kapag kinakausap tila bumibilis
Pagbukas sara ng 'yong mga talukap

Nanginginig ang labi mong namumutla
'Di ka makaimik at natutulala
Na para bang nagulat
Kung meron kang hindi masabi sakin
Pwede mo namang isulat

Lagyan mo na rin ng hugs n kisses sa dulo
Bago ang pangalan mo
'Wag ka ngang manhid gusto mo yakapin kita ng mahigpit
Para lang malaman mo

'Di ba halata
Ikaw ang natipuhan ko
Hindi mo ba mapagtanto
Ang mga pahapyaw pasaring
Pwede mo ba akong mahalin

Di ba halata
Sapul ako kay kupido
Kahit na sobrang torpe mo
'Di ka makatingin
Lahat ay aking gagawin upang iyong mahalin

'Di ko alam kung ano ba ang gusto mo
'Di ka makatagal na katabi ako
Kahit bagong paligo
Nagmumog nagsipilyo
Pabango'y 'di naman nakakahilo

Please lang 'wag ka na magpakipot pa
Gusto mo pa ata na pinipikot ka
Teka 'di ka na mabiro halika na nga dito
Baka bigla mo kong ipapresinto

Maraming umaaligid saking macho at gwapo
Pero inechapwera ko
Wala kang masyadong dating pero pag ngumiti
Laglag ang puso ko oh

Di ba halata
Ikaw ang natipuhan ko
Hindi mo ba mapagtanto
Ang mga pahapyaw pasaring
Pwede mo ba akong mahalin

Di ba halata
Sapul ako kay kupido
Kahit na sobrang torpe mo
'Di ka makatingin
Lahat ay aking gagawin upang iyong mahalin

Ang mga salita na gusto ko sayo'y sabihin
Ay biglang nawawala kapag ikaw ay parating
Ni hindi ko magawang tumitig sayo ng harapan
Pag kausap ka naman hindi ko alam ang gagawin
Dahil nag-aalangan langit ka lupa ako
Sabihan mo na ko torpe pero yan ang totoo
Sa dami ng lalaking umaaligid sayo
Sa pananamit pa lang siguradong taob ako
Kaya sa awiting ko na lang ito idadaan
Kung ano ba talaga ang aking nararamdaman
Mahal kita gusto kita sayo ko lang ibibigay
Ang pag-ibig kong taglay na sayo lang nakalaan
Masasabi ko lang yata to pag-lasing ako
Pero pano yan hindi naman ako umiinom
Sana'y magkaroon na ko ng lakas ng loob
Nang masabi ko na to sa tamang panahon

'Di ba halata
Ikaw ang natipuhan ko
Hindi mo ba mapagtanto
Ang mga pahapyaw pasaring
Pwede mo ba akong mahalin

'Di ba halata
Sapul ako kay kupido
Kahit na sobrang torpe mo
'Di ka makatingin
Lahat ay aking gagawin upang iyong mahalin

'Di mo ba pakikinggan
Damdamin kong may himig ng pag-ibig sana rin tignan
Ang puso kahit silip lang
'Di mo ba pakikinggan
Damdamin kong may himig ng pag-ibig sana rin tignan
Ang puso kahit silip lang

Curiosidades sobre la música 'Di Ba Halata del Toni Gonzaga

¿Cuándo fue lanzada la canción “'Di Ba Halata” por Toni Gonzaga?
La canción 'Di Ba Halata fue lanzada en 2014, en el álbum “Celestine”.

Músicas más populares de Toni Gonzaga

Otros artistas de Japanese music