Lakbay-Diwa [Acoustic]

O aking kaibigan namumungay ang mata
Dahil nga sa usok na hindi ibinuga
Meron pa ba dyan pahingi naman
Upang pangit ay magiging maganda

Kumikislap na ilaw
O ka'y gandang tignan
Kung tanungin mo sya
Iisa ang dahilan

Nababangga sa poste sa malawak na daan
Sa tanghaling tapat nakakita ng buwan
O aking kaibigan na merong dala
Ilabas mo na kitang kita sa mata

Langaw na dumaan sa harapan nya
Ay kinausap nya at napatulala
Pagkat buong akala'y madadaganan sya
O o o ang sabi pa nya

O aking kaibigan
Alas ang tinira
Tinodo na lahat
Tumirik ang mata

O aking kaibigan na di na nadala
Pagkaraan ng araw ay aking nakita
Naglalakad ng mag isa at nagsasalita
Sya'y naging dakila
Dakilang tanga

Curiosidades sobre la música Lakbay-Diwa [Acoustic] del Asin

¿Cuándo fue lanzada la canción “Lakbay-Diwa [Acoustic]” por Asin?
La canción Lakbay-Diwa [Acoustic] fue lanzada en 1993, en el álbum “Himig Ng Lahi”.

Músicas más populares de Asin

Otros artistas de