Magnanakaw

Cesar Banares Jr.

Ayon sa kasulatan
Ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon
At sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw
Ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no'ng unang panahon
Hanggang sa kasalukuyan

Ito kaya'y totoo
Ito kaya'y nangyayari
Ito kaya'y nangyayari noon
Nangyayari din kaya ngayon
Ito kaya'y dahil na rin
Sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain at sa iba'y nakikinabang

Tingnan mo ang iyong sarili
Suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis
Hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa

Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari
Madaling makilala
Balat-kayong ginagamit
Kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin
Ang nakikita sa kanya

May nagnanakaw ng oras
Talino at pawis
Pati ang galing
Kung minsa'y ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin
Ngayong alam na natin
Dahil na rin ba sa katamaran
Hahayaan na lang ba natin

Tingnan mo ang iyong sarili
Suriin mo ang 'yong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis
Hindi lumuluha
Magnanakaw ng oras galing at pawis ng iba

Ang magnanakaw
Ay mapagsamantala
Magaling magkunwari
Madaling makilala
Balat-kayong ginagamit
Kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya

Curiosidades sobre la música Magnanakaw del Asin

¿Cuándo fue lanzada la canción “Magnanakaw” por Asin?
La canción Magnanakaw fue lanzada en 1994, en el álbum “Special Collector’s Edition: Masdan Mo Ang Kapaligiran”.
¿Quién compuso la canción “Magnanakaw” de Asin?
La canción “Magnanakaw” de Asin fue compuesta por Cesar Banares Jr..

Músicas más populares de Asin

Otros artistas de