Ang Buhay Ko

Halos lahat ay nagtatanong doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran na aking pinagmulan
Sila'y nalilito ba't daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan
Ako lang ang nakakaalam

Magulang ko'y ginawa na ang lahat ng paraan
Upang mahiwalay sa aking natutunan
Subalit iniwan ko ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan ako lang ang nakakaalam

Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

Kaya ngayon ako'y narito upang ipaalam
Na 'di ako nagkamali sa aking daan
Gantimpala'y 'di ko hangad na makamtan
Kundi ang malamang tama ang aking ginawa

Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay

Curiosidades sobre la música Ang Buhay Ko del Asin

¿Cuándo fue lanzada la canción “Ang Buhay Ko” por Asin?
La canción Ang Buhay Ko fue lanzada en 1994, en el álbum “Special Collector’s Edition: Masdan Mo Ang Kapaligiran”.

Músicas más populares de Asin

Otros artistas de