Saan Darating Ang Umaga

Bakit pa pinagtagpo
Pala'y maglalayo
Tayo sa ating buhay
Ang araw na kay ganda
Ba't nang lumisan ka
Ay nagdilim ang kulay

Ang umaga'y nagtampo
Ano't kasama mo
Luha ang tanging iwan
Kung s'ya ma'y magbabalik
Ako'y nananabik
Kung kailan at saan

Darating ba s'yang kasama ka
Masasalubong man lang ba kita
Subalit ako'y mag-aalala
Kung ako ay mahal mo pa

Kahit pa ano'ng hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay
May umaga man pala
Kung 'di ka nya dala
Ito'y walang buhay

Darating ba s'yang kasama ka
Masasalubong man lang ba kita
Subalit ako'y mag-aalala
Kung ako ay mahal mo pa

Kahit pa ano'ng hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay
May umaga man pala
Kung 'di ka nya dala
Ito'y walang buhay

Músicas más populares de Zephanie Dimaranan

Otros artistas de Contemporary R&B