Bawat Daan [From "The Killer Bride]

Sa pagkumpas ng iyong kamay
Aking landas ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa

Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo gitna't simula
Nahanap din kita
Nahanap din kita oh

Maligaw man at mawala
At umikot man sa kawalan
Sa bawat kailan sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo pabalik sa'yo

Kay tagal ng lumulutang
Walang pupuntahan walang dahilan
Parang ulap na walang dalang ulan
Kamang walang kumot at unan

Bihag ako ng pagtataka
May saysay ba ang paglalakbay ngunit
Nahanap din kita
Nahanap kita oh

Maligaw man at mawala
At umikot man sa kawalan
Dahil sa bawat kailan sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan

Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo ay pabalik
Sa'yo oh
Sa iyo
Nagbabalik sa'yo
Oh

Kung ang puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo ang gitna't simula (oh)
Ikaw
Ikaw

Músicas más populares de Zephanie Dimaranan

Otros artistas de Contemporary R&B