Walang Pagmamaliw

Nagbabago ang kalikasan
Naglalaho ang kagandahan
Binabago ng panahon
Pati kahulugan ng kahapon

Kumukupas ang karangalan
Nalilimot ang pangalan
Kung lahat na lang lumilipas
Ano kaya'ng di maaagnas

Isa lang ang di nagmamaliw
Ang pag-ibig mo giliw
Sa mundong walang katiyakan
Pag-ibig mo'y tanging sandigan
Anuman ang aking sapitin
Makakaya ko'ng pasanin
Ipabatid mo lang sa akin
Ako'y mahal mo parin

Masumpungin ang damdamin
Malambing at matampuhin
Nagmamaliw ang pangako
Saan kaya d mabibigo

Isa lang ang di nagmamaliw
Ang pag-ibig mo giliw
Sa mundong walang katiyakan
Pag-ibig mo'y tanging sandigan
Anuman ang aking sapitin
Makakaya ko'ng pasanin
Ipabatid mo lang sa akin
Ako'y mahal mo parin

Sa mundong walang katiyakan
Pag-ibig mo'y tanging sandigan
Anuman ang aking sapitin
Makakaya ko'ng pasanin
Ipabatid mo lang sa akin
Ako'y mahal mo pa rin

Músicas más populares de Toto Sorioso

Otros artistas de Pop rock