Dapit-Hapon

Toto Sorioso

Verse:
Minsan lang dumaan sa buhay naming ito
Ang isang katulad mong
Handang inalay ang puso.
Nagtiyagang gumabay.
Kay tagal kang naghintay
Hanggang kami’y handang tumayo
Sa kanya-kanyang buhay.

Chorus
Dumarating din ang panahong
Mapapagod ka ngunit huwag mangamba.
Ang pagsubok ngayon pansamantala.
Ang bawat hamon may dapit-hapon.

Verse:
Kaya bago mag-paalam,
Nais naming ipaalam
Ang lubos na pasasalamat sa lahat-lahat.
Ang dagat mo’y tahimik.
Ang hangin tumatawag.
Alay ay panalangin
Sa iyong paglalayag.

Chorus
Dumarating din ang panahong
Mapapagod ka ngunit huwag mangamba.
Ang pagsubok ngayon pansamantala.
Ang bawat hamon may dapit-hapon.

Chorus
Dumarating din ang panahong
Mapapagod ka ngunit huwag mangamba.
Ang pagsubok ngayon pansamantala.
Ang bawat hamon may dapit-hapon.

Coda
Kaya humayo nang malaya.
Huwag mag-alala.
Kahit na mangungulila,
Kaming bahala
Kay mama.

Músicas más populares de Toto Sorioso

Otros artistas de Pop rock