Sana'y 'Di Na Lang

Ginawa ko naman ang lahat sumugal ako kahit alam kong talo
Iginugol ko lahat ng oras ko sa 'yo
Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal
Pero parang wala lang sa 'yo ang lahat ng mga paghihirap ko

Sana'y 'di na lang kita nakilala sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako sana'y 'di na lang kita minahal

'Di na sana nagising sa magandang panaginip
Kung madaratnan ko lang ang umagang kay sakit
'Di na sana niyakap ang kunwari mong pagtingin
Para 'di na 'ko nasugatan sa ginawa mong patalim
Pero parang ayos lang sa'yo ang lahat kahit na ako'y sugatan

Sana'y 'di na lang kita nakilala sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako sana'y 'di na lang kita

No'ng una kitang makilala halos napakasaya ko
Halos 'di maipinta 'yung mga ngiti sa labi ko
'Yung tipong sabay tayong nag go-good morning sa isa't isa
'Yung tipong sabay tayong nag-aalala at tanong kung kumain ka na ba at asan ka
'Yung lambing na 'di na tayo mapaghihiwalay kaso lahat ng 'yon ay akala ko lang pala
Dumating ang umaga na nagbago kang bigla
'Yung lambing pagmamahal tuluyan na ngang nawala nasan na 'yung dating ikaw
'Yung dating ikaw na kapag kasama ko 'yung puso ko'y humihiyaw
Mahal miss na miss na kita kailan ka ba babalik
Miss ko na 'yung init ng 'yong yakap at tamis ng 'yong halik
Pero kung usapang pagbabalik mukhang malabo na
Dahil lahat ng pagkukulang ko wala eh napunan na ng iba

Sana'y 'di na lang kita nakilala sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako sana'y 'di na lang kita minahal

Músicas más populares de syd hartha

Otros artistas de Alternative rock