​​​gabay

​syd hartha

[Verse 1]
'Di naman ako perpekto
Tao lang na may patlang
At magkakatulad lang tayo
Nadarapa rin lang
'Di rin minsan matalino't
Marami pang hindi alam
Madilim ang daan
Nangangapa rin lang

[Refrain]
Kaya naman napupunta kung sa'n-saan
'Di dapat ako nandito pero sige lang
Kapayapaan man ang abot o pahamak lang
Marami lang talaga 'kong gustong malaman

[Pre-Chorus]
'Di ko agad-agad naunawaan

[Chorus]
Ako lang naman ang nakakaalam
Sa inaasam na patutunguhan
Na sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila
Sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay

[Verse 2]
Kailangan ko bang sumabay?
Pwede bang magsarili?
Kinailangang marinig
Kaya 'di nabingi sa ingay
Lahat may mensahe na pinaparating
Sa'yo depende kung sa'n mo nais tumingin
Sa'n ka nakatingin? Sa'n ka nakatingin?
Sa'n ka nakatingin? Sa'n ka nakatingin?

[Refrain]
Ngayon naman, ako'y magmamasid sa daan
Dahan-dahan o agad-agad, ako'y hahakbang
May nadarama? dapat maramdaman
Binubuo ba ang sarili para lang takbuhan?

[Pre-Chorus]
'Di ko agad-agad naunawaan

[Chorus]
Ako lang naman ang nakakaalam
Sa inaasam na patutunguhan
Na sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila
Sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay

[Chorus]
Ako lang naman ang nakakaalam
Sa inaasam na patutunguhan
Na sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila
Sariling paa ang magdadala
Gabay lang, gabay lang, gabay lang sila

[Outro]
'Di ka pababayaan

Curiosidades sobre la música ​​​gabay del syd hartha

¿Cuándo fue lanzada la canción “​​​gabay” por syd hartha?
La canción ​​​gabay fue lanzada en 2023, en el álbum “gabay - EP”.
¿Quién compuso la canción “​​​gabay” de syd hartha?
La canción “​​​gabay” de syd hartha fue compuesta por ​syd hartha.

Músicas más populares de syd hartha

Otros artistas de Alternative rock