Pasan Ko Ang Daigdig

Kay tagal ko nang hindi lumuluha
Paghihirap ko'y naitago sa madla
Ngiting likas na bunga ng sigla at tuwa
Ngayo'y bala't kayo na lang kaya

Mabuti pang sanggol na hindi pa makapagsalita
Damdamin niya'y naipadarama
Parinig lang kanyang uha
Wala pa siyang lumipas na dapat ikahiya
O alaalang pagmumulan ng pangungutya

Nagdaan sa buhay kong mga araw
At katanyagan ang kapalarang nakamtan
Ngunit di malimot sa anumang 'karaan
Damdaming sinikil ng kaytagal

Luha ko'y hahayaang dumaloy na muli
Hanggang di napapawi sa puso kong hapdi
Sa labi ko'y mamamasdan ngiting di masilayan
Habang puso ko'y bihag pa ng karimlan

Dasal ko'y maranasan kung paano magmahal
Ng may pagtitiwala sa Diyos na Maykapal
At dahil Siya ang may likha ng buhay at pag-ibig
Sa Kanya pauubaya pasan ko'ng daigdig

Luha ko'y hahayaang dumaloy na muli
Hanggang di napapawi sa puso kong hapdi
Sa labi ko'y mamamasdan ngiting di masilayan
Habang puso ko'y bihag pa ng karimlan

Dasal ko'y maranasan kung paano magmahal
Ng may pagtitiwala sa Diyos na Maykapal
At dahil Siya ang may likha ng buhay at pag-ibig
Sa Kanya pauubaya pasan ko'ng daigdig
Sa Kanya pauubaya pasan ko'ng daigdig

Curiosidades sobre la música Pasan Ko Ang Daigdig del Sharon Cuneta

¿Cuándo fue lanzada la canción “Pasan Ko Ang Daigdig” por Sharon Cuneta?
La canción Pasan Ko Ang Daigdig fue lanzada en 1991, en el álbum “Sharon Movie Theme Songs”.

Músicas más populares de Sharon Cuneta

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)