Pangako

REY VALERA

Ngayon ko lang nabatid
Na hindi biro ang umibig
Nakapagtataka't nadarama'y tunay
Maligaya habang sa 'yo
Buong puso't buhay ko
Ngayo'y pinauubaya

Pangako sa 'yo ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig
Upang 'di magkalayo kailanman
'Pagkat ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko

Noon akala ko ang wagas na pag-ibig
Ay sa nobela lang matatagpuan
At para bang kay hirap na paniwalaan

Ikaw ikaw pala ang hinihintay kong pangarap
Ngayong kapiling ka at tayo'y iisa
Hindi ko hahayaan na sa atin ay may hahadlang

Pangako sa 'yo ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig
Upang 'di magkalayo kailanman
'Pagkat ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko

Pangako sa 'yo ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig
Upang 'di magkalayo kailanman
'Pagkat ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko

Upang 'di magkalayo kailanman
'Pagkat ang tulad mo
Ay minsan lang sa buhay ko

Pangako sa 'yo pangako sa 'yo
Ay minsan lang sa buhay ko

Curiosidades sobre la música Pangako del Sharon Cuneta

¿En qué álbumes fue lanzada la canción “Pangako” por Sharon Cuneta?
Sharon Cuneta lanzó la canción en los álbumes “Sharon Sings Valera” en 2002, “The Best Of Sharon Cuneta” en 2002, “Walang Kapalit” en 2003, “Sharon Movie Theme Songs Silver Series” en 2006 y “Sharon Sings Alcasid” en 2008.
¿Quién compuso la canción “Pangako” de Sharon Cuneta?
La canción “Pangako” de Sharon Cuneta fue compuesta por REY VALERA.

Músicas más populares de Sharon Cuneta

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)