Ngayon
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayong gugulin mo ng tama't mahusa'y
Bawa't saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali
Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon
Ikaw tulad ko rin ay may dapit-hapon
Baka ika'y mapalingon sa nag-daang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas panginatin ang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sayo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay
Ngayon
Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit
May bukas na sayo'y di na rin sasapit
Ngunit kung bawat ngayo'y
Dakila mong natangi
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain ang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sayo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y
Ngayon
Ituring mo kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain ang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sayo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay bukas moy matibay
Dahil ang sandiga'y
Ngayon