Pabalik

Ren Erin Gill

Nagkalat ang mga Pulis
Papalayo sa Pinangyarihan
Habang ako'y papabalik Mula
sa taas ng Pinanggalingan
Halos hindi pinag isipan
Magulo parang Alitang Lupa
ng mag kapatid na
hindi pinag hatian
Delikado yung hakbang na paurong
Habang sa salamin
ay may boses na bumulong
Mga matay napalingon
basag na bote'y nabuo
Patak ng pawis sa sahig
ay dahan dahang natuyo
At ang sabi

Hanapin mo rin
Ang sarili mo sa
Salamin kahit na
Taliwas
Sundin mo ang isipan
Mo't puso sa
Panahong wala kang
Kakampi

At ang pinto nakasarado
Dahan dahang bumukas
Walang marka o naiwang
Mga sugat miski bakas
Mga litratong napilas
Ay nabuo mga rosas
Ng natuyo'y tinubigan pa
Ng hating gabi
At paglipas ng oras
Usok sa sinindihang tabako
Ang kasama sa loob
Apat na sulok ng kwarto
Mag-isa ako
Dapat ayos na ang mga plano
Kaya bago mag umaga
Lahat dapat naisako

Baliw naba ako
Kung ikaw mismo sakin nagloko
Mga pangarap nawala
Na matagal kong binuo
Lahat ng ito ay sinalo
Wag ka lamang lumayo
Hangad ko ang kaligayahan
Ng dalawang anak ko
Para ikaw ay makasama
Kailangan kong pumatay
Diyos na lamang ang bahala
Sa inyo ay gumabay
Sakin ay di bale na
Kahit saan man lumagay
Apoy sa langit o empyerno
Saan man ako mahimlay
Ahhhhh !!
Ayaw mo sakin na sumama sige
Wala ka ng babalikan
Kung iiwanan kami
Mga litrato sa pader
Ilaw na patay sindi
Bukas mo nalang malalaman
Kung nasaan kami
Habang ako !!
Walang pake kahit na bumalik ka
O mag sama ng pulis
Dahil puta huli na
Ang isip ko madumi na
Kung mag atubili ka
Linisin ang mga Kalat
Na ikaw ang nag simula

Hindi ko na pag pipilitan
Kung hindi na kailangan
Lawakan mo ang isip mo
Ano man ang mang yari
Ikaw mananatili
Pasensya na kung ikaw ang na sisi ko

Curiosidades sobre la música Pabalik del Ren

¿Quién compuso la canción “Pabalik” de Ren?
La canción “Pabalik” de Ren fue compuesta por Ren Erin Gill.

Músicas más populares de Ren

Otros artistas de Pop-rap