Bagong Taon

Bagong taon
Ang alay mo sa 'ming buhay
Kahit kailan
Ikaw ay 'di nagkulang

Ilaw kapag kami'y naliligaw sa landas (ilaw)
Na minsa'y may kadiliman
Yakap kung hirap ng nalalasap
'Di ka nang-iiwan

Bagong taon
Katulad ng isang bagong umaga
Sumisilong nagbibigay ng pag-asa
Pag-ibig mong 'di kumukupas
Pinapawi luhang pumapatak
Pangako mo'y tunay at wagas
Na nagbibigay ng bagong lakas

Ikaw ang aking batong kublihan
Sa mga bagyong magdaraan
Salita mo lang ang syang gabay
Mula ngayon at magpakailanman

Ikaw ang aking batong kublihan
Sa mga bagyong magdaraan
Salita mo lang ang syang gabay
Mula ngayon at magpakailanman

Bagong taon
Pag-aalala ng 'yong katapatan
Aming pagsimba iaalay ang aming buhay
'Di mo kami pinabayaan
Kahit kami'y may pagkukulang
Ang grasya mo'y laging laan
O Diyos ika'y pasalamatan

Ikaw ang aking batong kublihan
Sa mga bagyong magdaraan
Salita mo lang ang syang gabay
Mula ngayon at magpakailanman

Ikaw ang aking batong kublihan
Sa mga bagyong magdaraan
Salita mo lang ang syang gabay
Mula ngayon at magpakailanman

Bagong taon
Bagong lakbayin ng buhay

Músicas más populares de Raymond Lauchengco

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)