Isang Awit

Naririto ang puso ko
Sumasamba sa'yo
Punong-puno ng pasalamat sa kadakilaan mo

Binigyan mo ng bagong taon at pagkakataon
Nang makilala ka ng lahi ko
Sa aming pagbangon

Kaya't kami ay magsisikap
Itutuloy ang mga pangarap
Ang pag-gabay ng iyong kamay
Sa awit ay isasaysay

Isang awit na magsasambit na ang pag-ibig mo ay labis
Isang awit na maghahatid ng pagsamang walang batid
Isang awit na magugunay sa tuwing sa'yo ay mawawalay
Isang awit ng aming buhay
Tanging sa'yo iaalay

Isang awit na gigising sa isang lahing nahihimbing
Isang awit na may apoy nasa bawat puso'y dadaloy
Isang awit na magdurugtong sa pangarap na napuputol
Isang awit na magiging baon sa pagsubok ng panahon

Panginoon salamat po
Kami ay inibig mo
Inaangat mo ang lahi ito
Maging ilaw sa mundo

Bawat araw turuan mo na manalig lang sa'yo
Ikaw lamang ang siyang susundan
Kahit saan pa man (kahit saan pa man)

Kaya't kami ay magsisikap
Itutuloy ang mga pangarap
Ang paggabay ng iyong kamay
Sa awit ay isasaysay

Isang awit na magsasambit na ang pag-ibig mo ay labis
Isang awit na maghahatid sa pagsambang walang batid
Isang awit na mag-uugnay sa tuwing sa'yo ay mawawalay
Isang awit ng aming buhay
Tanging sa'yo iaalay

Isang awit na gigising sa isang lahing nahihimbing
Isang awit na may apoy nasa bawat puso'y dadaloy
Isang awit na magdurugtong sa pangarap na napuputol
Isang awit na magiging baon sa pagsubok ng panahon

Músicas más populares de Raymond Lauchengco

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)