Sagaran

Rogel Simon, Soc Choi, Omar Manzano, Jeck Choi

Ang akala nila, katapusan ko na iyon
Ang akala nila, di ko kayang bumangon pa
Di nila tayo kayang makuha sa santong dasalan
Di pwedeng sirain ang ginawa naming pangalan

Mula sa mikroponong hawak mga katagang umaapoy

Di lumaki sa karangyaan, ngunit puno ng abilidad
Upang wasakin ang sumpa ng realidad
Sabi nila di matutupad, kita ko kung sinong huwad
Kutsilyo sa lalamunan nila, ating isasagad

Walang sinuman ang hahadlang
Mon 5:39 PM
You sent
1.
hindi nagduda sa kakayanan kaya tanging sarili ang tatayaan
sa mundo na uso ang dayaan dapat na mag-ingat kung saan dadaan
plano dapat paganahin, dapat lahat makakain
narinig yung panalangin na hindi talaga lubos akalain

akoy sanay talaga na gumapang, mas pinatibay at lalong tumapang
natuto lang din talaga lumaban, umangat man pero hindi yumabang
dating bigat ngayon ay gumaan mga pagsubok lang talaga dumaan
mag-isa ako lang ang pumasan, mga mata ngayon ay hindi luhaan

2.
hindi na mabilang sa daliri yung mga napagtagumpayan na hamon
kaya hindi na para indahin yung mga sakit na kumalabit saken kahapon
alam kong pwedeng patubuin, lahat ay pwedeng pasubukin
ang hindi lang talaga pwede ay yung ako mismo ang pasukuin

kaya pilit na inilaban,

kahit pa mahirapan pinalakas yun kahinaan,
tanging ang kailangan lang talaga ay yung resultang kainaman
tapos ipapasa ko yung apoy sa mga tunay na nangangailangan
kaya kung tunay mo kong naririnig ay hinding hindi tayo kailan man magkakailangan

3.
paangat na hihilahin palagi, salamat din sa mga di bumitaw
pati na din sa mga sumigaw dahilan kung bakit ako mas lumitaw
di lang basta basta na sumingaw at hindi lang din basta basta umayaw
mga matibay lang matitira / kung sino lang talaga gumalaw

Músicas más populares de Omar Baliw

Otros artistas de Asiatic music