Bakante

Omar Harry B. Manzano, Ryan Rhyne Daran, 8 Beats

Yeah

Ayokong mabakante
Kaya aking pupunan
Ang mga blangkong linya
Upang makaabante

Lahat ng pinagdaanan
Nagmistulang gasolina

Alam ko na madami
Pa’kong tatahakin na daan
Pero ‘di na bale

Dahil ayokong mabakante
(Ugh) ayokong mabakante
Ayokong mabakante

Ayokong mabakante
Kaya aking pupunan
Ang mga blangkong linya
Upang makaabante

Lahat ng pinagdaanan
Nagmistulang gasolina

Alam ko na madami
Pa’kong tatahakin na daan
Pero ‘di na bale

Dahil ayokong mabakante
(Ugh) ayokong mabakante
Ayokong mabakante

Di nagpaawat hanggang sa mapasakamay
Di din naligaw kase may mapa sa kamay
Nagpatuloy lang, wala ng balak huminto
Kaya diretso sa tagumpay, walang balak lumiko

Kaya palaging gagalingan
Kung di man makuha, bukas ay babalikan
Basta sigurado na kung ano para sakin
Kahit may humarang man, di na para wasakin

Tutuloy ko lang, anuman ang nasimulan
Tatapusin hanggang dulo kahit maulan
Nasanay lang din talaga kung pano mag-tiyaga
Kaya ngayon kung marating ko man ay wag na magtaka

Nalimutan na din kung paano ba kabahan
Ako'y sigurado, hindi lang na chambahan
Dati pa lang, buong pusong pinaghandaan
Kaya kada pagsubok dumaan, pinakatandaan

Gagawan ng paraan, lahat ay tumagos
Panimula pa lang lahat, di pa to tapos
Bawat tira pasok kaya hindi na kapos
Ako yung dating empleyado, ngayon ay pinakaboss

Di din akalain agad na matutupad
Kase gusto ko lang naman talaga na matuto pa
Pupunasan mga mata, di maluluha
Kaya mas maliliwanagan, ngayon ay matutuwa

Kung ano man ang sinabi ko, pinirmahan
Mga bakante na tunog, buong pusong pinintahan
Tila ba binalik din sa akin ang lahat
Naramdaman sa tamang panahon, hindi naging atat

Para sa pamilya ang pinaka-dahilan
Silang mga kasama ko palagi kahit kailan
Kasama na nagutom, nabilad sa initan
Kaya kasama ko pa rin ngayon hanggang sa kainan (yeah)

Ayokong mabakante
Kaya aking pupunan
Ang mga blangkong linya
Upang makaabante

Lahat ng pinagdaanan
Nagmistulang gasolina

Alam ko na madami
Pa’kong tatahakin na daan
Pero ‘di na bale

Dahil ayokong mabakante
(Ugh) ayokong mabakante
Ayokong mabakante
Ayokong mabakante
Kaya aking pupunan
Ang mga blangkong linya
Upang makaabante

Lahat ng pinagdaanan
Nagmistulang gasolina

Alam ko na madami
Pa’kong tatahakin na daan
Pero ‘di na bale

Dahil ayokong mabakante
(Ugh) ayokong mabakante
Ayokong mabakante

Sigurado na yung mga dating alanganin
Sa wakas ay nasagot na din yung mga panalangin
Gusto ko lang naman sana plano paganahin
Upang sa lamesa maglapag ng aming makakain

Di na magugutom tulad nung nakaraan
Dati pa lang alam ko na sa akin yan nakalaan
Ginawan ng paraan makadaan
Hindi nagpabigat bagkus tumulong pang makagaan

Para sa pamilya ko, lahat itinaya
Nung nabaliw ako, pintuan ay hindi isinara
Pangakong makaahon, sa bato itinaga
Kaya pinilit paganahin, lahat yan ay tyinaga

Akala madali pero hindi pala ganun
Dami ko ding mali, lahat yun itinama sa ngayon
Meron ng resulta kaya di lang nataon
Nakita mo yung binalik, mga tinamasa ngayon

Dala-dala kakaiba, hindi matumbasan
Hinanap ang sarili hanggang sa matuklasan
Ramdam pa yung bigat na sa akin naka-pasan
Hindi ko yan binitiwan hanggang saking nalampasan

Nakawala sa buhay na aking nakasanayan
Salamat sa nakasama, sa byahe nakasabayan
Mga naka-kamayan at mga naka-tawanan
Mga nakasaksi na ako lang nakagawa niyan
Di ko makakaya kung hindi ginabayan
Maiiwanan talaga kung hindi ko sinabayan
Gustong paganahin lang, hindi nilubayan
Mahigpit sinturon kaya ngayon aking niluwagan

Darating pala kahit medyo natagalan
Mahalaga lang talaga dapat lahat ay palagan
Sa pangarap lang kumapit kaya tatagan
Kung dati nakatali ngayon dapat kalagan (yeah)

Ayokong mabakante
Kaya aking pupunan
Ang mga blangkong linya
Upang makaabante

Lahat ng pinagdaanan
Nagmistulang gasolina

Alam ko na madami
Pa’kong tatahakin na daan
Pero ‘di na bale

Dahil ayokong mabakante
(Ugh) ayokong mabakante
Ayokong mabakante

Ayokong mabakante
Kaya aking pupunan
Ang mga blangkong linya
Upang makaabante

Lahat ng pinagdaanan
Nagmistulang gasolina

Alam ko na madami
Pa’kong tatahakin na daan
Pero ‘di na bale

Dahil ayokong mabakante
(Ugh) ayokong mabakante
Ayokong mabakante

Músicas más populares de Omar Baliw

Otros artistas de Asiatic music