Paano Na? [Ang Babaeng Allergic Sa Wifi (Original Motion Picture Soundtrack)]
Sa bawat gabi na wala kana sa aking tabi
Napagtanto ko nang di na mabalik
Ang pananabik
Na dati'y tila di na mag mamaliw
Di mo ba ramdam ang hapdi
Na dinulot ng luha at pagka sawi
Nitong damdamin na nag laho
Sa masalimuot nating daigdig
Para bang nagalit ang pagkakataon
Sa atin na ang tanging hangad lamang
Ay umibig
Ikaw ang tanging mahal
Di ko inakalang di magtatagal
Noo'y umasang walang iwanan
Ngayo'y di na kaya pang panindigan
Ang mga salitang binitawan
Paano nang pagmamahalan
Ito na nga ba ang ating hantungan
Ipinikit ang mga mata
Upang di na masaksihan pa
Ang iyong mga hakbang
Na unti unting naglayo sa atin
Para bang nagalit ang pagkakataon
Sa atin na ang tanging hangad lamang
Ay umibig
Ikaw ang tanging mahal
Di ko inakalang di magtatagal
Noo'y umasang walang iwanan
Ngayo'y di na kaya pang panindigan
Ang mga salitang binitawan
Paano nang pagmamahalan
Ito na nga ba ang ating hantungan
Paalam
Ika'y di malilimutan
Kailanman