INAY

Keiko Necesario

INAY

Ikaw ang unang nagturo
Kung paanong magmahal
Bago pa man isinilang,
Ako’y iyo nang inalagaan.

Simple lang ang yong kaligayahan,
Sapat nang ako’y mapagmasdan.

Mula pa noong pagkabata,
Pangaral mo’y aking gabay.
Mga salitang di nagkulang,
Di kailan man pinabayaan

Paano nga ba masusuklian?
Sapat na bang pangakong d i iiwan?

CHORUS

Ika’y nagbibigay liwanag
Inay, damdamin ay panatag
Sa kalagitnaan sa dulo at simula,
Kasama ka…

Sa kabila ng mga kamalian,
Pagibig mo’y laging ramdam.
Dahil sa iyong pagalalay,
Walang di kaya sa buhay.

Hindi man laging nababanggit,
Mahal kita’t saksi ang buong langit.

CHORUS

Ika’y nagbibigay liwanag
Inay, damdamin ay panatag
Sa kalagitnaan sa dulo at simula
Kasama ka

Oh inay

Músicas más populares de Keiko Necesario

Otros artistas de Folk pop