Hindi Pa Kami

Hindi pa kami matandang dalaga
Tawagin mo kami ng Candida't Paula
Bata pa kami't marilag pa raw
Basta't may bayle riyan handang sumayaw

Kami'y pagmasdan pag kami nagbalse
Sa bisig ng Papa na aming konsorte
Sabi ng lahat pinakasikat
Umikot ikot man buong magdamag

Akala ng iba
Dinaanan kami ng panahon
Ang buhay raw namin ay parang de kahon
Hindi nila alam
Na lalong gumaganda ang lahat pag may seremonya ang bawat iglap

Bilis ng mundo'y hindi para sa amin
Karera ng lagay hindi kakayanin
Hawak hawak may pulos ng pahiya
Sa buhay lang na ito kami masaya

Músicas más populares de Joanna Ampil

Otros artistas de Film score