Kay Sarap Ng Buhay Nung Araw

Kay sarap ng buhay nung araw
Maayos ang bihis ng lahat
Parang haplos pag-ihip ng hangin
Pag may mga ideyal

Poesia ang ating agahan
May awit na kalong kung gabi
Sining ang lagi nang kapitbahay
Pag may mga ideyal

Kagandahan katotohanan
Ang panlaban ko sa mundo
Wala akong takot walang panlulumo
Bumaha man o bumagyo

Maibabalik ba natin
Ang mga araw na yun
Kagandahan katotohanan
Ang panlaban ko sa mundo
Wala akong takot walang panlulumo
Bumaha man o bumagyo

Ang saya natin noon
Bakit nating sinira ang ating kaligayahan
Bakit naaksidente ang papa
Bakit nya pininta ang larawang yon

Músicas más populares de Joanna Ampil

Otros artistas de Film score