Tabi-Tabi Po
[Verse 1]
Magbibilang ako hanggang tatlo
Sabihin mo na, ano ba tayo
Lumalabo ang paningin
Nag-iiba ang ihip ng hangin kapag kasama ka
Ikaw lang ang nakikita, sinta
Sigaw ng puso ko
[Chorus]
Tabi-tabi po, may masasaktan ba
‘Pag bilang ng tatlo’y hahanapin kita
Kahit gaano pa katagal
Ako’y maghihintay para lang sa’yo
Para lang sa’yo
[Verse 2]
Binabakuran mo na naman
Ang puso mong aking inaasam
‘Wag kang mag-alala, ito ay aking iingatan
Kung iyong pagbibigyan
Ikaw lang ang tinatangi, sinta
Sigaw ng puso ko
[Chorus]
Tabi-tabi po, may masasaktan ba
‘Pag bilang ng tatlo’y hahanapin kita
Kahit gaano pa katagal
Ako’y maghihintay para lang sa’yo
[Bridge]
O, Diyos ko
Siya ang tanging hiling ko sa’yo
[Chorus]
Tabi-tabi po, may masasaktan ba
‘Pag bilang ng tatlo’y hahanap-hanapin kita
Kahit gaano pa katagal
Ako’y maghihintay para lang sa’yo
Para lang sa’yo