O Luna

Kiko KIKX Salazar

Unti-unting kumakagat
Hindi makakatakas pa
Anino ay nawawala
Pagsapit ng dilim

Unti-unting nangangapa
At may kaunting pangangamba
Saksi ang kalangitan
Pagsapit ng dilim

Ngunit nandyan
At kailanma'y

Ikaw ang lunas
Iyong dala-dala'y hiwaga
At sa bawat luha
Iyong dala-dala'y anong ligaya
Bawat bukas
Masisilayan
Ang dala-dalang
Liwanag
Sa hatinggabi, o luna

Dagli-dagling binibigkas
Sa mga oras na lumilipas
Liwanag mong di kumukupas
Pagsapit ng dilim

Di na aalis
At tuloy na magkukubli

Sa iyong piling
Pagsapit ng dilim

Twina'y nandyan
O kailanman

Ikaw ang lunas
Iyong dala-dala'y hiwaga
At sa bawat luha
Iyong dala-dala'y anong ligaya
Bawat bukas
Masisilayan
Ang dala-dalang
Liwanag
Sa hatinggabi, o luna

Ikaw ang lunas
Iyong dala-dala'y hiwaga
At sa bawat luha
Iyong dala-dala'y anong ligaya
Bawat bukas
Masisilayan
Ang dala-dalang
Liwanag
Sa hatinggabi, o luna

Curiosidades sobre la música O Luna del JMKO

¿Quién compuso la canción “O Luna” de JMKO?
La canción “O Luna” de JMKO fue compuesta por Kiko KIKX Salazar.

Músicas más populares de JMKO

Otros artistas de Contemporary R&B