Disgrasya
Wooh ha
Malilimutan ko na sana kung pa'no malungkot
Nang sa isang pag-ibig puso ko'y nasangkot
Hinulog ko ang puso ko't kanyang dinampot
At nang siya'y tinanong isang oo ng sinagot
Nalimutan ko na yata kung pa'no magmahal
Dahil nu'ng isang araw nung kami'y nagpasyal
Nakita ko sa dulo ng aking mga mata
Ang dati kong inibig ang dati kong syota
Natutukso akong tumawag
Natutukso akong pumayag
Ang isip ko'y nagpipigil
Ang puso ko'y nanggigigil
Disgrasya (oh)
Disgrasya (disgrasya)
Disgrasya (hala ka)
Ang dalawang buwan sa isang langit
Ay 'di kasya (ay 'di kasya)
Disgrasya oh
Tinawagan ko agad ang dati kong kabiyak
At nang kami'y mag-usap muntik siyang maiyak
Narinig ko ang aming magkasabay na tibok
At dahil sa kaba kami ay napalunok
Ngunit nang makausap ko'ng syota kong muli
Kahit na paliwanag ay hindi humingi
Hindi niya ko inipit hindi naghinala
Sa akin raw matibay ang kanyang tiwala
Bumubulong-bulong (ang pag-ibig)
Bumubulong-bulong (ang hilig)
Ang isip ko'y nagpipigil
Ang puso ko'y nangigigil
Disgrasya (oh)
Disgrasya (disgrasya)
Disgrasya (hala ka)
Ang dalawang buwan sa isang langit
Ay 'di kasya (ay 'di kasya)
Disgrasya disgrasya oh (disgrasya)
Disgrasya (disgrasya)
Ang dalawang buwan sa isang langit
Ay 'di kasya (ay 'di kasya)
Disgrasya oh (oh disgrasya)
Disgrasya oh (disgrasya)