Kung Makikinig Ka Lang
Ang sabi mo'y ang dami mong hindi naiintindihan
Sa ating pag-iibigan
Ang sabi mo'y ang dami mong hindi nauunawaan
Sa ating pagmamahalan
Ngunit ako'y naniniwala
Na namamatay ang tala ng pag-iibigan
Pag may paghihinala (kung makikinig ka lang
Kapag tayo'y nag-uusap (kung makikinig ka lang)
Kapag tayo'y nangangarap (kung ang puso mo'y buksan)
Baka maintindihan
Na hindi lang tenga ang kailangan
Upang marinig mo ko puso'y buksan
Ah yeah oh
Kung papakinggan mo ang kanilang pakiwari
Na ako ay pakunwari
Kung papakinggan mo ang opinyong sari-sari (sinu-sino na lang)
Baka wala nang mangyari (baka wala nang mangyari)
Ngunit ako ay nananalig (tunay ang pag-ibig)
Na pag tunay ang pag-ibig (di na kailangan)
Ay di kailangan sa ibang tao pa makinig oh
Kung makikinig ka lang
Kapag tayo'y nag-uusap (kung makikinig ka lang)
Kapag tayo'y nangangarap (kung ang puso mo'y buksan)
Baka maintindihan (baka maintindihan)
Na hindi lang tenga ang kailangan
Upang marinig mo ako puso'y buksan (ah)
Di na bale ang mata (di na kailangan)
Di na bale ang tenga (lalo na yan)
Basta't ang puso mo ay huwag na huwag isasara
Kung makikinig ka lang
Kapag tayo'y nag-uusap (kung makikinig ka lang)
Kapag tayo'y nangangarap (kung ang puso mo'y buksan)
Baka maintindihan (maintindihan mo lang)
Na hindi lang tenga ang kailangan yeah
Upang marinig mo ako puso'y buksan
Sana naman maintindihan
Upang marinig mo ako puso'y buksan