Tuloy Pa Rin Ako

Galing lang ako sa inyo
At ako'y niloko
Pinag-usapan alas' otso
Nag-kandarapa pa naman

Okay lang sa akin 'yun
Dapat 'di na lang nag-pagod
Isang libo na yata ang na-sigarilyo
Inaabangan ang pasko

Wala ring mangyayari
Kung pag-isipan pa
Maghihintay na lang
Kung sino man iyon
Dapuan ng puso ko
Tuloy pa rin ako

Ang langit ay bumubughaw
Sabi sumulong ka na riyan
Masasama ako sa mga puno
Habang ang ulap ay nakangiti ho

Wag ka sanang maawa
Wala ka ng magagawa
Mabango pa naman ang simoy ng hangin
Maglalalakad

Wala ring mangyayari
Kung pag-isipan pa
Maghihintay na lang
Kung sino man iyon
Dapuan ng puso ko
Tuloy pa rin ako

Wala ring mangyayari
Kung pag-isipan pa
Maghihintay na lang (maghihintay na lang)
Kung sino man iyon
Dapuan ng puso ko
Tuloy pa rin ako
Tuloy pa rin ako (tuloy pa rin ako)
Tuloy pa rin ako (tuloy pa rin ako)
Tuloy tuloy tuloy (tuloy)
Tuloy pa rin ako
Tuloy pa rin ako
Tuloy pa rin ako

Músicas más populares de Jim Paredes

Otros artistas de Pinoy pop