Palagi-Lagi
Kulang lang sa pansin kapag ang iyong mahal ay masungit
Bulungan mo sana ng mga salita na kaakit-akit
Hindi tatagal na siya na mismo ang kusang lalapit
Ligawan mo siya ng mas matindi pa at lubos na mainit
Ang babae kasi paminsan minsan mahirap suyuin
Pabago-bago ang nararamdaman at siya'y matampuhin
Nakapagtataka kung bakit tayo'y namimilit umibig
Tila pinagsama at pinaghalo ang langis at tubig
Ngunit ganun pa man di matalikuran ang kanyang bighani
Para na'kong adik na sabik na sabik ng palagi lagi
Di pwedeng matabang ang pagsuyo
Ito'y dapat meron din halong tapang
Di sobra di kulang
Kahit pilitin pa dina magbabago ang kababaihan
Ang bawat isa ay magkasing iba sa puti at luntian
Ngunit ganun pa man di matalikuran ang kanyang bighani
Para na'kong adik na sabik na sabik ng palagi lagi
Oh di pwedeng matabang ang pagsuyo