Nakapagtataka [(New Version)]
Naiintindihan mo ba kung bakit ganito
Ang kalagayan ng pag-ibig ko
Kung bakit ang dating dalawa biglang nag-iisa
Kung bakit ang saya naging luha
Walang tigil ang gulo
Sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka oh
Kung bakit ganito
Ang aking kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno nang iyakan
Nakapagtataka nakapagtataka
Di ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhan
Walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh
Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka saan na napunta
Hindi ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan oh
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman oh
Oh
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh hmm