Lumisan Na Siya
Lagi nalang balisa
Palaging nagdududa
Malalim mga mata
Laging nakatunganga
Hindi mo matanggap ang katotohanan
Na lunisan na siya
Laging di mapakali
Kaya sindi ng sindi
Kulang ng himbing ang iyong tulog
Sa sariling lungkot nalulunod
Hindi mo maharap at di mo matanggap
Na lumisan na siya
Laging nasa huli ang pagsisisi
Mahirap umamin ng mali
Kung pwede lang magtago
Sa ilalim ng lupa
Gumagawa ng pasya
Na di rin matutupad
Hahanap daw ng iba
Na papalit sa kanya
Hindi mo matanggap ang katotohanan
Na lumisan na siya
Laging nas huli ang pagsisisi
Mahirap umamin ng mali
Kung pwede lang magtago
Sa ilalim ng lupa
Lumisan na siya
Lumisan na siya
Lumisan na siya
Lumisan na siya