Ang Ganda Mo

Ang ganda mo
Sing ganda ng mga tala sa umaga
Mahiwaga
Mga matang nagniningning
Hindi mapigil mapansin
Ng sinuman
O anuman

Ang ganda mo (ang ganda mo)
Ako ay nauutal at naluluha
Sa kahahanga
Tahimik man ang labi ko
Sumisigaw naman ang dibdib ko
Sinta

Di ba
Ang bawat nilalang
May sadyang minamahal
Swerte ko naman
At ikaw ang tunay na (tunay na)
Para sa akin

Ang ganda mo (ang ganda mo)
Di nagtatakang inggit sila sa akin
Pag 'kay kapiling
Di maawat ang saya
Kapag tayong dal'wa ay magkasama
Sinta

Oh di ba
Ang bawat nilalang
May sadyang minamahal
Swerte ko naman at ikaw ang tunay na (tunay na)
Para sa akin oh

Ang ganda mo (ang ganda mo)
Di kita pagpapalit kahit kanino pa
Kahit artista
Wala ng hahanapin pa
Tuwing tayo'y magkasama
Nakatingin lahat sila
Siguro ay nagtataka
Bakit akong kasama ng
Isang kasing ganda
Na tulad mo

Ang ganda mo (ang ganda mo)
Ang ganda mo
Ang ganda mo (ang ganda mo)
Ang ganda-ganda mo
Ang ganda mo (ang ganda mo)
Ganda-ganda mo
Ang ganda mo (ang ganda mo)
Ang ganda mo (ang ganda mo)

Músicas más populares de Jim Paredes

Otros artistas de Pinoy pop