Sabi Mo

Eugene Villaluz

[Verse 1]
Sabi mo sa 'kin ay 'di mo 'ko iiwan
Maging hanggang sa magpakailanman
Noong una, tayong dalawa ay nagsumpaan
Yun pala'y bukambibig mo lang

[Verse 2]
Mabuti pa ay 'di na tayo nagmahalan
Nang sa gano'n ay 'di na tayo nasaktan
Luha pala ang siyang ating patutunguhan
Paglisan mo ang ating kahahantungan

[Chorus]
Sabi mo, ako'y iyong iibigin ('Yan ang sabi mo)
Sabi mo, ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng iyong mga pangako
Walang nangyari, lahat ay naglaho
Sabi mo, ako'y iyong iibigin ('Yan ang sabi mo)
Sabi mo, ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng aking mga hangarin
Napawi ng sinungaling mong damdamin

[Verse 3]
Ngayong tayong dalawa'y 'di na magkasama
At ikaw ay nasa piling na ng iba
Totoo bang pagtingin mo'y 'di magbabago?
Naaalala mo pa ba ang sabi mo? Oh-oh

[Chorus]
Sabi mo, ako'y iyong iibigin ('Yan ang sabi mo)
Sabi mo, ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng iyong mga pangako
Walang nangyari, lahat ay naglaho, oh-oh
Sabi mo, ako'y iyong iibigin ('Yan ang sabi mo)
Sabi mo, ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng aking mga hangarin
Napawi ng sinungaling mong damdamin
(Sabi mo, sabi mo)
Sabi mo, ako'y iyong iibigin ('Yan ang sabi mo)
Sabi mo, ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng iyong mga pangako
Walang nangyari, lahat ay naglaho, oh
Sabi mo, ako'y iyong iibigin ('Yan ang sabi mo)
Sabi mo, ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng aking mga hangarin
Napawi ng sinungaling mong damdamin

[Outro]
Naaalala mo pa ba ang sabi mo?
Mahal ko, alam kong iyon ang sabi mo

Curiosidades sobre la música Sabi Mo del Jaya

¿Cuándo fue lanzada la canción “Sabi Mo” por Jaya?
La canción Sabi Mo fue lanzada en 1999, en el álbum “Honesty”.
¿Quién compuso la canción “Sabi Mo” de Jaya?
La canción “Sabi Mo” de Jaya fue compuesta por Eugene Villaluz.

Músicas más populares de Jaya

Otros artistas de Electro pop