Magmula Nang Ibigin Ka

Freddie A. Saturno

Hindi na kailangan sabihin pang sa akin
Na ako ang 'yong mahal
'Di ba't halos ang buhay mo
Sa akin ay iyong isinugal
Kaya't di na dapat pang sabihin mo
Ang 'yong nararamdaman

Kahit na may ibang mag-aalay
Ng pag-ibig niya at buhay
'Di ko matatanggap kahit na kailanman
Ang puso ko'y iisang kausap
At ayaw ng palipat-lipat
Magmula ng ibigin ka at aking tinanggap

Hindi mag-iiba dahil ang damdamin ko'y
Ikaw lang ang kilala
Mayroon mang mag-alok sa 'kin
Ng pag-ibig kahit anong ganda
Hindi na nga mawawala sa puso ko
Magmula ng ibigin ka

Kahit na may ibang mag-aalay
Ng pag-ibig niya at buhay
Hindi ko matatanggap kahit na kailanman
Ang puso ko'y iisang kausap
At ayaw ng palipat-lipat
Magmula ng ibigin ka at aking tinanggap

Kahit na may ibang mag-aalay
Ng pag-ibig niya at buhay
'Di ko matatanggap kahit na kailanman
Ang puso ko'y iisang kausap
At ayaw ng palipat-lipat
Magmula ng ibigin ka at aking tinanggap

Magmula nang ibigin ka hm

Curiosidades sobre la música Magmula Nang Ibigin Ka del Jaya

¿Cuándo fue lanzada la canción “Magmula Nang Ibigin Ka” por Jaya?
La canción Magmula Nang Ibigin Ka fue lanzada en 1999, en el álbum “Honesty”.
¿Quién compuso la canción “Magmula Nang Ibigin Ka” de Jaya?
La canción “Magmula Nang Ibigin Ka” de Jaya fue compuesta por Freddie A. Saturno.

Músicas más populares de Jaya

Otros artistas de Electro pop