Pagkukunwari

Vehnee Saturno

[Non-Lyrical Vocals]

[Verse]
Ngayon ay naiisip ko
Kailangan ko pa rin ang isang tulad mo
Matapos na iwanan kita
Kung bakit hinahanap kang palagi
Sadya bang mahal pa kita?

[Pre-Chorus]
Hindi ko maintindihan
Damdamin ko ngayon ay naguguluhan
Alam ko na mayro'n kang iba
Kung bakit hinahanap ka sa tuwina
Muli sa 'tin, mayro'n pa ba?

[Chorus]
Ang pagkukunwari'y bakit 'di kay dali?
Ikaw pa rin ang siyang tibok ng puso at damdamin ko
Bakit pa nagawang ikaw ay iwan ko
Gayong laging ikaw pa rin ang siyang tinatawag ng puso ko?

[Pre-Chorus]
Hindi ko maintindihan
Damdamin ko ngayon ay naguguluhan
Alam ko na mayro'n kang iba
Kung bakit hinahanap ka sa tuwina
Muli sa 'tin, mayro'n pa ba?

[Chorus]
Ang pagkukunwari'y bakit 'di kay dali?
Ikaw pa rin ang siyang tibok ng puso at damdamin ko
Bakit pa nagawang ikaw ay iwan ko
Gayong laging ikaw pa rin ang siyang tinatawag ng puso ko?

[Bridge]
Hinahanap kang palagi
Sadya ngang mahal pa kita
Mahal pa kita

[Chorus]
(Ang pagkukunwari'y bakit 'di kay dali?)
Ikaw pa rin ang siyang tibok ng aking puso
(Bakit pa nagawang ikaw ay iwan ko) Bakit ba nagawa
Gayong laging ikaw pa rin ang siyang tinatawag ng puso ko?

Curiosidades sobre la música Pagkukunwari del Jaya

¿Cuándo fue lanzada la canción “Pagkukunwari” por Jaya?
La canción Pagkukunwari fue lanzada en 2005, en el álbum “Fall In Love Again”.
¿Quién compuso la canción “Pagkukunwari” de Jaya?
La canción “Pagkukunwari” de Jaya fue compuesta por Vehnee Saturno.

Músicas más populares de Jaya

Otros artistas de Electro pop