Huling Awit Ng Pag-Ibig

Kay rami ko ng nabigyan ng bulaklak
At liham ng pag-ibig na minsa'y palpak
Ganun din ang mga tsokolateng kay tamis
Ngunit lahat naman sila ay nagsipag-alis

At ako ay iniwanan ng mga ala-ala
Na aking naisulat sa aking mga kanta
Ngunit ang lahat ng ito
Ay bago ka makilala

Kaya ngayon ay susubukan ko
Na ito na ang huling awiting isusulat ko
Tungkol sa pinapangarap kong pag-ibig na sobrang ilap
Ikaw pala ang aking hinahanap

At kung mas maaga tayong nagkakilala
Malamang walang pag-asang maging tayong dalawa
Dahil sa ako'y isang ligaw na bata
Na akala ay pag-ibig na o 'di naman pala

Kaya't akin na ring pasasalamatan
Ang mapaglarong tadhana't mga dating sininta
Dahil kung di kami nagkalayo
Ay hindi ko mahahanap ang daan tungo sa'yo

Kaya ngayon ay susubukan ko
Na ito na ang huling awiting isusulat ko
Tungkol sa pinapangarap kong pag-ibig na sobrang ilap
Ikaw pala ang aking hinahanap hanap oh
Tapos na ang paghahanap
Ikaw na ngayon ang aking yakap-yakap
Ikaw pala ang aking hinahanap

Músicas más populares de Davey Langit

Otros artistas de Pinoy pop