Wakas

Davey Langit

Ito na ang huling gabi
Ng aking mga paghikbi
Napakadaling aking mundo sa’yo na lang umikot
Napakahirap ngayong kailangan ko na ang lumimot

Sa ating walang hanggan
Na hanggang dito na lang talaga
Babaunin kong paalis ang puso ko

Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na
Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na
Salamat na lamang sa lamat
Na iiwan ng alaala mo
Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na

Mapapagod din pala akong
Isiping kasalanan ko
Kung bakit ba nung dulo ay di na ako ang ‘yong pinili
At ako’y naiwan dito na nagbabakasakali pa

Sa ating walang hanggan
Na hanggang dito na lang talaga
Babaunin kong paalis ang puso ko

Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na
Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na
Salamat na lamang sa lamat
Na iiwan ng alaala mo
Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na

Ito na ang huling gabi
Ito na ang huling gabi
Babaunin kong paalis ang puso ko

Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na
Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na
Salamat na lamang sa lamat
Na iiwan ng alaala mo
Magpapaalam na sa’yo
Paalam na, paalam na

Músicas más populares de Davey Langit

Otros artistas de Pinoy pop