Pakiusap
Ika'y aking anaki
Kalabuan sa pagkinang ng dagat at kislap ng buwan
bawa't isa ay magka-kalahati
na sa atin na ang marahuyong balse ng gabi
Siguro bale-wala ang lahat ng sikretong binulong mo sa'kin sa gitna ng dilim
Siguro mas nais mo ang liwanag ng nakakasunog niyang piling
Pakiusap na lang, walang manghihinayang
dahil siya ang iyong pinili
sa'king panaginip, ikaw ang nasa isip
gusto ko nang magising
Ba't di mo nabanggit?
Mahal mo na ang siya na dumarating at aalis ng bigla
di nalalayo sa bukang-liwayway na
di marunong magpaalam at agad mawawalay
Tayo ang tanging tahanan ngunit bakit mo napag-isipang magpabakasakali?
Kasalungat ba ang magbubuo at maghihilom ng pusong may kahati?
Pakiusap na lang, walang manghihinayang
dahil siya ang iyong pinili
sa'king panaginip, ikaw ang nasa isip
gusto ko nang magising
Bakit parang paulit-ulit lang,
na kay dali-dali kong palitan?
Kung kelan ko napagisipang
magpakalakas loob ay bigla lang bibitawan
O Sinta, masisisi ba Kita,
Kung mas mahal mo ang siyang di mo kilala?
O Abad, masisi ba kita,
Kung yun din ang aking ginagawa?
Pakiusap mo na ako ang nararapat,
ngunit di mo napansin ang ating tadhana
di mo masisisi ang nais kong pag-alis
na para bang pamahiin