Balse ng Gabi
Kay ganda ng iyong musika
Dahan-dahang tatahan
Ang alon sa dagat
Na aking minahal
Ang alon ko'y nahihimala
Ng munti mong harana
Puso'y natamaan
Ng iyong pagkanta
Tanggapin mo'ng aking hiling
Na ikaw ay dumaloy
Sa simoy ng hangin
Na aking padala
Kung may ibig ka mang sabihin,
Ulap, pwede bang paraanin
ang munting ilaw ng buwan
para sa akin?
sa magdaraang panahon ay pinapangakong
hindi maglalaho ang ating pagibig na
wagas, tunay, walang kapantay
magkalayo man tayong dalawa'y walang gigitna
at sa pag-lisan ng araw,
liwanag niya ay pumapanaw
sapagkat, ako ay tapat,
ito ay sapat para sa atin