Araw-Araw na Hiwaga
Araw araw na hiwaga'y di hiwaga
Araw araw na hapis di hapis
Kaibang totohanang pagtangis
At hindi ko hangad na itala
Pagkislap araw araw ay bahid
Araw araw na dusa'y may sawa
Di pansin araw araw na galit
Walang bisa walang wawa
Pagpintas at panay ang pagbati
Langingit ang patuloy na dalit
Himutok ay parusa kong lagi
Di sumpa ang sumpang labis at labis
Araw-araw na awa'y ay di away
Pagmasdan at biglang sasalalay
Sa hamog ang pagsikat ng araw
Na ganday walang pakundangan
Daigdig na ito'y di papanaw
Ang bulong ko ngayong pag-asa't malumay
Pagsinta ang gawin araw-araw
Parang kaning tipag naroong tunay