Cancion Filipina Anak Dalita
Ako'y anak ng dalita at tigib ng luha
Ang naritong humihibik na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit at kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig sa kapagdaramdam
Ay kung hindi ka mahahabag
Sa lungkot kong dinaranas
Puso't diwa'ng nabibihag
Sa libing masasadlak
Magtanong ka kung 'di tunay
Sa kislap ng mga tala
Magtanong ka rin sa ulap
Nang taglay kong dalita
Sa dilim ng gabi aking nilalamay
Tanging larawan mo ang nagiging ilaw
Kung ikaw ay mahimbing sa gitna ng dilim
Ay iyong ihulog puso mo sa akin
Tanging larawan mo ang nagiging ilaw
Ang iyong ihulog puso mo sa akin
Ang iyong ihulog ang iyong ihulog
Buhay pag-asa pag-asa