Wala Nang Hahanapin Pa

Jim Paredes

Mayroon siyang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
'Di naman daw nagdududa naniniguro lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa

'Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
Nang oras 'pag ako'y ginagabi
At biglang maamo 'pag may kailangan
'Pag nakuha na ikaw ay itatabi

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa

'Di magpapatalo 'pag mayroong alitan
'Di aamin ng mali magbabagong-isip lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya wala nang hahanapin pa

Kahit ano'ng sabihin ng iba sinasamba ko siya
Minamahal ko pa walang kaduda-duda
Wala nang hahanapin pa

Curiosidades sobre la música Wala Nang Hahanapin Pa del APO Hiking Society

¿Cuándo fue lanzada la canción “Wala Nang Hahanapin Pa” por APO Hiking Society?
La canción Wala Nang Hahanapin Pa fue lanzada en 1990, en el álbum “Mga Kuwento ng Apo”.
¿Quién compuso la canción “Wala Nang Hahanapin Pa” de APO Hiking Society?
La canción “Wala Nang Hahanapin Pa” de APO Hiking Society fue compuesta por Jim Paredes.

Músicas más populares de APO Hiking Society

Otros artistas de Asian pop