Tag-Ulan
Minsan ika'y nag-iisa walang makasama
'Di malaman saan tutungo
Naghahanap nag- iisip kung saan babaling
Dito sa mundong mapaglaro
At tuwing ika'y nalulumbay 'di makakita
Nais mo na may makasama
Sa iyong lungkot akala mo ika'y nag-iisa
Narito ako't kapiling ka
Kung nais mong ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita
Kapag umuulan bumuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka mag-iisa kaibigan (kaibigan)
Kay rami nang mga tanong sa iyong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagka-gano'n ang nangyari sa buhay
Tanong mo man sa akin 'di ko alam
Handa akong maging tanggulan (handa akong maging tanggulan)
Sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan (sa'yo ang tag-ulan)
Kapag umuulan bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka mag-iisa
Ako'y naririto naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo kaibigan
Kaibigan
Kaibigan
Kaibigan
Kapag umuulan bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka mag-iisa kaibigan
Kapag umuulan bumubuhos ang langit
Sa 'yong mga mata
Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka mag-iisa
Kapag umuulan
Kapag mayro'ng unos
Kapag umuulan
Kapag mayro'ng unos
Kaibigan
Kaibigan