Paskong Walang Pera
Abente kwatro na ng disyembre
Wala pa kong regalo
Ubos ang pera
Butas ang bulsa papano na ito
Nalibot na ang bawat mall at shopping center
Walang makita pwedeng mahingi na libre
Minamahal ko pagbigyan sana ako
Kung pwede lamang
Ang gagawin ko para sayo
Sisindihan ko ng kandila
Ang buong ayala
Bawat simbahan ako'y magpapamisa
Buong pilipinas bubuhusan ng saya at kanta
Para sayo
Nung dating christmas
Kahit papano meron akong regalo
Ngayon mahirap maraming gastos
Kapus pa ang sahod ko
Oh sana maintindihan mo ang aking kalagayan
Ang ninanais lamang ay iyong kaligayan
Labas sa gastos
Lahat ay gagawin ko
Kung pwede lamang para sa christmas
Itong alay ko
Sasamahan kita sa simbang-gabi at notche buena
Magkakarolling ako sayo hanggang umaga
Sa araw ng pasko ipapasyal kita sa luneta
Kung pwede lamang para sa christmas
Itong alay ko
Isasama kita bumisita sa aking ninong at ninang
Hahanapin ang mga kamag-anak na balikbayan
Lahat ng pasalubong nila ibibigay ko sayo
Sisindihan ko ng kandila ang buong ayala
Bawat simbahan ako'y magpapamisa
Buong pilipinas bubuhusan ng saya at kanta
Para sayo
Para sayo
Maligayang pasko