Pasko Na Sinta Ko / Miss Kita Kung Christmas

Fe Ayala, Francis Dandan, Hermie Uy

Pasko na sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit nagtatampo
Nilisan ako

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano na ang paskong
Inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Ang disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Ano mang pilit kong magsaya
Miss kita kung christmas

Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Hirap niyan mayro'n ka ng iba

Kahit nasaan ako
Papaling-paling ng tingin
Walang katulad mo
Ang nakapagtataka'y maraming
Nakahihigit sa 'yo

Kung mawawala ka (hahanap-hanapin ka)
Sa piling ko sinta (nasasaktan ako ewan ko ba ngayon kung)
Paano na ako miss kita o giliw

Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Paano na ang pagmamahalang tunay
Tunay

Sayang sinta ang sinumpaan (pasumpa-sumpa ka pa)
At pagtitinginan at galak (at pagsusuyuan)

Kung mawawala ka
Sa aking piling sinta
Pa'no na ang pasko
Alay ko sa 'yo
Ho
Paano na ang paskong
Alay ko sa 'yo (alay ko)

Curiosidades sobre la música Pasko Na Sinta Ko / Miss Kita Kung Christmas del APO Hiking Society

¿Cuándo fue lanzada la canción “Pasko Na Sinta Ko / Miss Kita Kung Christmas” por APO Hiking Society?
La canción Pasko Na Sinta Ko / Miss Kita Kung Christmas fue lanzada en 1991, en el álbum “Paskonapo”.
¿Quién compuso la canción “Pasko Na Sinta Ko / Miss Kita Kung Christmas” de APO Hiking Society?
La canción “Pasko Na Sinta Ko / Miss Kita Kung Christmas” de APO Hiking Society fue compuesta por Fe Ayala, Francis Dandan, Hermie Uy.

Músicas más populares de APO Hiking Society

Otros artistas de Asian pop